Sige, i-hugot mo lang ang pag-climb climb. Mapapasaan pa at, makakalimutan mo din ang sakit, ang hapdi at kirot ng kahapon. Pero, huwag kalimutang maging responsableng climber kahit ganun, kaya nandito ang Leave No Trace (LNT) principles, the hugot version.
Hindi mo plinanong masaktan. Hindi mo pinaghadaan.
Umibig ka lang, ayun lang ang alam mo. Malay mo bang madaming assault, rappelling at uulan ng luha? Kaya dapat, you're prepared sa lahat ng darating. Magplano bago umahon.
Yung trail nga dapat matibay, puso mo pa kaya?
Dapat dun ka lang sa matatag... na daanan dumaan. Laging sundan ang trail kasi, proven and tested na durable na yun for travel. Kung planong manatili sa isang lugar ka, dun ka lang sa matatag... na surface. Camp sites should be done on areas that are not prone to landslide. Be strong, laban lang!
Itapon mo ng maayos ang kahapon, wala ng balikan.
Kalat na yan e! Hindi mo na magagamit. Itapon mo ng maayos, kung maari, maghukay ka ng malalim at doon mo ibaon. Nabubulok naman yan, in time mawawala. Yun lang, huwag mo ng hukayin ulit. Proper disposal is a must, wala ng hukayan pa dapat sa mga naibaon ng kahapon.
Kung ano man ang nakita mo, kalimutan mo na.
Leave what you find. Hindi lahat ng pinakita nya sa'yo totoo. Yung karamihan dun, peke. Masasaktan ka lang kung dadalhin mo pa. Maganda man sa mata, pero kung ano man yun, alam mo namang hanggang dun lang yun. Pinili nyang saktan ka at choice mo din kung kakalimutan mo na siya.
Bawasan ang hapdi ng nilaro mong apoy.
Masaya naman maglaro ng apoy e... sa simula lang. Mapapansin mong unti-unti kang mapapaso. Hanggang sa maging delikado na ito. Nakita mo yung nangyari sa Mt. Apo? Kaya dapat hinay-hinay sa paglaro ng apoy, lalo na kung umaahon ka.
Galangin si ex.
Huwag mo ng pansinin si ex. Kapag nakita mo siya sa mall, lalo na with his or her new S.O. (significant other), dedma. Your minute nor effort will not be valued. Kaya kung balak mo siyang panisin, huwag na. Ex mo naman na e. At kung siya naman ang makulit sa'yo, hayaan mo na siya. Huwag mo na lang panisin kung ayun naman talaga nature nya. Basta, galangin mo ang time ni Ex. At kung hoping ka pa din na magkakabalikan kayo, tigilan mo na, lason na yan. Respect yourself o kaya wildlife.
Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Kami din.
Alam namin na madami kang malalalim na kwento. Gusto mo yang ilabas at karapatan mo naman yan. Pero isipin mo din yung tao sa paligid mo. Baka sawa na yan sa paulit-ulit mong drama na para bang unli-replay ng MMK. Hala ka! Baka itulak ka na lang nyan bigla. Hinay-hinay lang sa pagdra-drama. Hindi lang naman ikaw yung tao sa bundok, na may problema. Sila din, for sure. Kaya consider them and crush that feeling.
Laging tandaan na ang mga bundok ay ating pangalawang tahanan. Malaking tulong sa atin ang natural na ganda at ginahawa mula dito kaya dapat nating pangalagaan upang mapanatili ito at mas marami pang taong makinabang dito. The longer we maintain the beauty of the mountains, the more hugot we can have and be. Maging responsableng climber tayo sa pagsasagawa ng LNT.

Oh siya! Tahan na.
No comments:
Post a Comment